Sapagkat Lahat ng Sustansiya ay Nasa Latak.

Ako si Noliver, 22, Filipino, graduate ng BS Biology, nakick-out sa Medicine, now a Law student.

Isang bituing hayok sa laman. Uhaw sa kamalayan. Tigang sa kamulatan. Malawak at malikot ang imahinasyon. Mapusok ang mga pananaw. Mapaghamon ang mga paniniwala.

Nangungusap. Nagtatanong. Namumuna. Naghahanap. Nagpapayo. Higit sa lahat, nagmamahal.
Who I Follow

Nagpunta tayo sa lamay ng lolo niya. Hindi ka nga nagsasalita kasi may ilang factor kayong dalawa. The whole time we were there nakaupo ka lang nang tahimik. At nakikinig sa aming mga kulitan. Parang ikaw pa yong namatayan sa inaakto mo.

Matapos ang mga kwentuhan at kulitan nating magkakaklase, nilapitan niya ako. Konting kwento. Sabi niya, sabay turo sa kinauupuan kong mahaba at kahoy na upuan, na diyan siya natutulog pagkatapos dumalaw ng mga bisita. Pinagdidikit daw niya ang mga upuan. Masakit ito sa katawan. Sabi pa niya, yun yung tinext niya ako na masakit ang katawan niya pag gising niya nung umaga.

Hindi ko alam na nakikinig ka.

Noong pauwi na, I decided na sa Sta. Ana na lang umuwi, hindi na sa Paranaque. Hassle kasi kapag hinatid mo pa ako doon. Isa-isa mong hinatid ang ating mga kaklase. Tahimik ka sa biyahe di tulad nung papunta tayo na maingay ka.

Dalawa na lang kaming natitira na ihahatid mo. Nagtataka ako at bawat mercury na madaanan natin ay bumababa ka. Hindi ko na mabilang. Pati 7-11. Akala ko may bibilhin ka lang para sa mommy mo.

Mga ala-una na ng madaling araw yon.

Nang maibaba na ang pangalawa sa huli. Hinatid mo na ako sa may tulay. Hindi pa man ako nakakababa sabi mo samahan kita sa may Kalentong. Bibili ka ng unan at kumot. Na-shock ako. Seryoso? Unan at kumot? Maghahanap tayo ng unan at kumot sa madaling araw?

Malapit lang naman ito sa amin kaya okay lang. Walang katao-tao ang daan. Sarado ang mga tindahan. Malamang madaling-araw na.

Napunta tayo ng Sta. Mesa. May bukas na supermarket. Bumaba ka, naiwan ako at ang yong driver. Bumalik ka. Wala kang dala.

No choice. Sa Divisoria ang bagsak natin. Bumaba tayo sa mabasurang kalye ng Divisoria. Biruin mo naka-corporate attire tayo, madaling-araw at may mga mukhang sangganong nakahilera sa may tapat ng 168 extension. Nasa atin ang kanilang mga mata.

Salamat sa Diyos at may bukas. Bumili ka ng dalawang unan at kumot. Gusto mo ngang bilhin yong comforter kaso sinaway kita. Over na yon no. Bumalik tayo sa kotse mo. Sabi mo maghintay na lang ako sa loob at may bibilhin ka pa. Sinundan kita. Divisoria lang naman kasi ang lugar na yon. Divisoria lang.

Tsinelas. Tsinelas ang binili mo para may pamalit siya doon sa lamayan.

Nung pabalik na tayo, matraffic sa may Juan Luna. Bumaba ka at pinuntahan yong sanhi ng traffic. Malamang nakipagtalo ka dun sa driver ng truck.

Sa lamayan.

Ako ang pinababa at pinag-abot mo nung mga kumot at unan. Sarado. Kinatok ko. May lalaking lumabas. Tinanong ko kung gising pa siya. Hindi na raw. Iniabot ko ang mga gamit sabay sabing para ito sa kanya. Umalis na ko.

Lagpas alas-dos na yon. Wala pa tayong tulog dahil sa midterm ng CrimLaw.

Iba ka talaga. Kung hindi yon pagmamahal, ano lang ang pagmamahal?

Masakit man ang katotohanan, daig mo pa ang boyfriend niya.

  1. noliverism posted this