Sapagkat Lahat ng Sustansiya ay Nasa Latak.

Ako si Noliver, 22, Filipino, graduate ng BS Biology, nakick-out sa Medicine, now a Law student.

Isang bituing hayok sa laman. Uhaw sa kamalayan. Tigang sa kamulatan. Malawak at malikot ang imahinasyon. Mapusok ang mga pananaw. Mapaghamon ang mga paniniwala.

Nangungusap. Nagtatanong. Namumuna. Naghahanap. Nagpapayo. Higit sa lahat, nagmamahal.
Who I Follow

blabbingfreak:

Isang pagpupugay sa natatanging bayani ng ating bayan.

Nawa’y hindi kami manatiling takot na sumunod sa iyong mga yapak at ipagpatuloy ang iyong mga nasimulan. 

Pasong-paso mang pakinggan, nawa’y matutunan naming magpakumbaba at maintindihang edukasyon lamang ang tanging paraan upang masugpo at malampasan ang kanser na matagal nang kumakain sa ating bayan.

Hindi kailangang buhay ang kapalit, hindi kailangang bumuhos ng dugo. Lahat tayo’y may dugong bayani. Sa pagtatapos ng taong ito, nawa’y mamaalam din tayo sa kaisipang, wala tayong parte sa rebolusyon na ito. 

Sa iyong buhay na ginugol sa pag-aaral at pangangarap na mailigtas sa kabulukan ang bayang ito, sa mga aral na iyong iniwan para sa aming lahat, ako ay nananatiling tagahanga. Saludo, Sir! :)

Photo credits: http://gerilyagallery.deviantart.com

  1. angelomarco reblogged this from blabbingfreak
  2. noliverism reblogged this from blabbingfreak
  3. blabbingfreak posted this