Yan ang tanong na nabunot ko noong 2007 Mr. and Ms. College of Science q and a portion. Ngumiti ako after basahin nung mc ang tanong. Ngiting aso. Ngiting akala mo alam na alam talaga ang sagot. Pero sa loob-loob ko, bakit ganun, yong nauna sa kin ang tanong sa kanya “what makes you blush?”. Ang sagot pa nga niya blush on. Joke time ata tong q and a. Iba-iba ng degree of difficulty ang mga tanong.
Ang sinagot ko, simple at direkta lang;
“The most promising part of my life that made me who am I today was when I’ve learned about the existence of God… that was during my childhood when my mother taught me about him… and that changed my whole life.”
Super safe answer. Hindi nga gaanong na-expound. Inunahan ako ng kaba. Pero sa tingin ko naman mas may sense ang sagot ko kaysa dun sa blush on. Malamang kung hindi ako naging Kristiyano o naturuan ng mga turo ng Panginoon naging pagano ako o kaya atheist o kaya existentialist. Mag-iiba ako ng values at mga paniniwala at pagpapahalaga sa buhay. Haha.
The question on Venus Raj always reminds me of the above question. May similarities. At mahirap naman talagang sagutin. Hahalungkatin mo pa sa utak mo kung anong promising part yon o anong big mistake. And in fairness, nakakakaba.
And yes, I won the title that night. And in the succeeding year, I passed the title to my ex.